Ang saket ah!..
Nasasaktan ako..di ba halata?..magaling kasi ako magtago..pwede na nga akong maging artista. Hay.. kelan ba ako matututong maging matapang sa pagmamahal?. Ang hirap naman.. di kasi ako marunong magmahal ng konti at magmahal ng kunyari. Sa pangalawang pagkakataon naramdaman ko ulit kung panu masaktan. Akala ko kasi ok na, kaya na ulit ng puso ko. Di pa pala. Sabi ko noon sana maging bato ang puso ko, para di na sya nasasaktan sa tuwing nagpapakatanga ang isip ko. Sadyang malambot talaga sya at di marunong mag ingat. At sa tuwing magmamahal sya di na nya inaantana kung sino o anumang klasing tao ang mamahalin nya. Di nya iniisip kong masasaktan sya o hindi. Basta tumibok sya ok na. nakakatulala, nakaka baliw. Tatawa, iiyak. Nakakatakot ng mag mahal…nakakapagod.ang hirap maka get over.. ang hirap maka move on sa mga nakasanayan mo ng gawin. Andun yung pag gising mo sa umaga, bago ka matulog sa gabi sya ang nasa isip mo, yung mga nakasanayan nyo ng gawin at pag usapan sa araw araw. Ang hirap. Kahit saan ka tumingin sya ang nakikita at naaalala mo. Kung pwede lng burahin ang memories, ginawa ko na. sana di magtagal maka pag move on ako.
