Drama-dramahan….
tatlong taon na ang nakalipas ng huli kaming nagkita at nagkausap, di man naging maganda ang huling araw na iyon nagsilbi naman iyong tuldok na nagsara sa aming nakaraan. lumipas ang ilang taon at unti-unti ko syang nakalimutan, di man naging matagumpay ang mga naging relationship na napasukan ko may mga aral naman akong natutunan sa mga iyon. sa ngayon hindi man naging malapit sa akin ang pag-ibig nagkaroon naman ako ng panahon sa aking sarili at pamilya. naging sandigan ko ang aking mga kaibigan at pamilya sa bawat pagsubok sa araw araw. masaya na ako sa kung anung meron ako ngayon, diyos na ang bahal kung kelan at sa papa anung paraan nya ilalapit sa akin ang pag-ibig na minsan kong pilit kinalimutan….
